Biyernes, Hunyo 29, 2012

BIGLAAN

Minsan hindi mo alam gagawin mo kapag biglaan na lang nawala ang relasyon. Minsan hindi mo alam ang mga bagay na dapat mong isipin kasi nga hindi ka naman handa. Parang itouch,iphone,ipad na ayaw mag SYNC dahil nga hindi mo tanggap ang mga pangyayari. Bigla mo na lang namimiss yung mga bagay at pangyayari na pinagsamahan niyo dati. Hindi mo alam kung saan ka nagkulang, kasi nga sobra pa nga yung ipinakita mo. Nakakayamot talaga yung ganung pakiramdam, wala akong relasyon na nawala ng biglaan, pero sa mga kaibigan ko at sa mga paligid ko? Oo, madami. Minsan hindi mo alam ang dahilan kung nagsawa ba yung partner nila o may mali ba talaga silang nagawa. Bilang isang kaibigan, aalamin mo hindi lang parte ng kaibigan mo. Kundi yung part din nung kabila. Pero di mo naman ka close yung kabilang part, so tatanungin mo lang talaga is yung isa. Mahirap magbigay ng payo sa broken hearted na tao. Bilang kaibigan, aalamin mo ang mga nangyari, parang pulis kang mag iimbestiga para tama ang mga payo na maibibigay mo. Iba na rin yung bubuksan mo ang sarili mong kahon para makapagbigay ng mga kakaibang ideya sa kanya. Bakit nga kaya bigla na lang nawawala ang pakiramdam ng isang tao.. Sabi nga sa kantang biglaan, “Onti-onti na lang sanang nawala”. Na which is mas maganda, para kahit papano yung taong nakaranas nung biglaan eh hindi masyado masaktan, kumbaga, nagkakaideya siya sa mangyayari, napaghahandaan niya. Pero yung mahal na mahal mo pa yung isang tao tapos bigla ka nalang iiwan nito? Mapapa shet at tang ina that ka na lang eh

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento