Martes, Hulyo 3, 2012

Sa oras na napagod ang taong mahal mo. Bigyan mo ng oras para magpahinga.


Hindi naman kasi parating nagmamahal lang ang isang tao eh, minsan napapagod din ito. Siguro sa mga nakikita niya, masyado siyang na frufrustrate. Sa mga atensyon na ibinibigay niya, minsan naitatanong mo ba kung nasusuklian mo siya? Yung effort ba na ginagawa niya eh binibigyan mo rin ng effort para mapansin?
Minsan ganun na lang masasabi ng tao eh. Pagod siya at wala na siyang magagawa kundi bigyan ng oras ang sarili niya mag-isip. Kailangan mong respetuhin yun. Minsan nagiging dahilan na rin ito para tuluyan ka nilang iwan. 

Pinapagaan na lang nila ang sitwasyon para hindi kayo masyadong masaktan. Andun din yung assurance na baka bumalik siya kung sakaling “wala siyang mahanap o nahanap” o kaya naman ” nakapagpahinga na siya at nahanap na niya ang sarili niya.”
Wala ka naman kasi magagawa kundi tanggapin at tanggapin mo ang desisyon ng tao sayo eh. Kasi wala ka namang magagawa.. Kahit pilitin mo.. Kung ayaw na niya, ayaw na niya. Kahit ano sabihin mo diyan.. Hindi na niya paniniwalaan at ipipilit ang gusto niyang dumistansya sayo.


Source: matabangutak

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento